ALAGAAN MO SI BULUL

By John Garreth Aniban

Copyright © 2020

Noong sinaunang mga panahon,
kwento ng aming mumbaki;
Isang tala mula sa Pugaw
Ng isang biyayang naging dalamhati.

Isang makapangyarihang anitong lumpo,
Ngalan nyay’ Namtogan.
Bumaba sa lupa at nagmahal
Sa taong taga Tinoc, syay inalagaan

Dala ng barangay, ang pagkain at alaga,
paligo, at pagbyahe, wala syang pangangailangan.
At sa pagbalikpuso, inibig ni Namtogan ang Anhin
Domoble ang ani, pati mga alaga, naparami.

Ngunit kinasanayan ng bayan ng Anhin,
ang buhay na akalay habangbuhay may aanihin,
nakalimutan na pala nilang alagaan
ang anitong lumpong, nanging sanhi ng kanilang kaunlaran.

Dala ng mga luha ni Namtogan,
ang nais nyang maiwasan sanang kalungkutan,
hinagis nya ang munting sarili
sa ilog ng Kaingan

Dumating ngayon ang sumpa at delubyo
sa nasaktang puso ni Namtogan
Kawawang mga taga Anhin
Ang dating marami, biglang nawalan.

O aking Anhin na ngayoy nagsisisi
Mapagtanto ang inyong kasalanan na hwag pansinin
Biyayang dala ng munting lumpong anito
Bayang Anhin ngayoy di na magiging makalimutin

Sinuyod ngayon ng taumbayan ang lupain,
Sa ilog ng Ibulao nilang nahanap sa isang tabi
Pinakiusapan nilag magbalik si Namtogan
Ngunit sa lungkot syay tumanggi.

“Kumuha kayo ng Sanga” sabi ng anito
At iukit ninyo ang aking imahe
Sundan ngayoy aking payo
At hwag gumalaw ng paatubili.

Mula ngayong kayong mga tao
Alagaan ninyo ang inyong gutom at lumpo
para pagdating ng biyayang aanihin
dala rin ang biyayang pagbabago.

At mula noon
Mula lolo hanggang sa amang aking payo
Alagaan nyo ang inyong Bu’lul
Gutom at salungatay parating malayo.